Silid isipan...

Isang lugar kung saan dito niya inilalabas ang kanyang saloobin. Inilawan rin niya kung anong klaseng mundo ang meron siya, ang mundo kung saan ay ginawa rin niya...

Ikinubling damdamin...

"Walang maisip na pamagat"
Than-than

Hindi ko alam kung sinasadya mo
pero alam ko na siya rin ay mahal mo
Hindi mo alam na nasasaktan ako
sa mga kwento mong nakakapanlumo

Damdaming palaging dadalhin
hindi alam saan isisilid
hindi alam kailan titiisin
damdaming masakit, hindi kaya ibatid.

Sa mga ligaya mo ay ngingiti lang ako
pero sa loob ko ay nakakapanlumo,
Masakit man tanggapin
ang loob na niya ay nasa sa'yo.

Masaya ka na ba sa ibinabalita mo?
Sana galangin mo parin ako.


Isang walang kwentang tula. *itutuloy ang eksplenasyon sa susunod.*

Pag bangon niya sa umaga...

Umaga na pala...bumangon, umunat at saglit ay umalis, pumunta sa kanyang paboritong tambayan. Ngayon hindi lang maulap na araw, mayabong na puno at mayuming hangin ang kanyang nakita...umusbong na pala ng mga damo sa paligid at bulaklak sa tabi-tabi, muling humiga sa mga malalambot na damo at naisipan mag timpla ng kape, maka timpla nga...


Nang siya'y bumalik sa kanyang tambayan na may dalang kape't pandesal...umupo sa malalambot na damo at naka sandal sa may puno, pinag mamasdan ang mga bulaklak sa paligid habang humahaplos sa mukha niya ang hangin, nakatingin sa kawalan...kung saan...doon ay... *huminga ng malalim* hay, nakaka relax.

-Than Squared

Ang muling pagbubukas...

Muli, nag bukas na ulit si Than-than ng panibagong tambayan kung saan dito niya ilalabas ang lahat ng kanyang saloobin na hindi niya kayang maibahagi sa mga naging kaibigan sa kolehyo.


...Sa ilang beses na niyang napag isipan na mag bukas ulit ng blog at natupad na rin sa wakas ang kanyang binabalak. Nagbabakasakali na ito ang magiging sandalan niya sa tuwing nakararanas niya ng lungkot, ligaya, kilig at ano pa man na gusto niyang ibahagi sa mga nangyayari sa kanya.

Baka mabaliw na kasi ako eh...sino ba naman mawiwirduhan na may katabi ka sa van, naka tingin sa bintana at bumubulong mag isa? eh may makasabay kang random na tao at biglang kumanta na wala namang pinapakinggan o sinasabayang tugtog?

Ako si Jonathan Savellano, ganyan ako tuwing pumapasok at umuuwi galing iskwelahan. Iskwelahan? ah oo...sa TUP (Technological University of the Philippines) ako nag aaral *TUPian ng lata* bumibyahe ako mula Muntinlupa hanggang Maynila para mag aral, so ano naman? dalawang oras lang naman ang byahe ko at ang araw ng pasok ko ay Monday to Saturday. Hindi naman mahirap mag aral...sadyang tamad lang talaga. Sino ba naman tatamarin kung may mga classmates kang "Malupet"? hehe tama na nga.

...Hmmm *huminga ng maluwag* Isa nga pala tong blog na ang pangalan ay "Sa mundo ko..." oo, mundo ko talaga to kung saan dito ako naka tambay sa lugar na ito, may maulap na araw, mayabong na puno at mayuming hangin. Kapag may gusto akong ilabas na mga bagay-bagay, dito ko isisigaw ang lahat....lahat....lahat....

Oh sige, hanggang dito na lang muna. Sa susunod na yung iba pang features, yup! special features...baka nga eh dito ko nalang ilalaan ang oras ko kapag wala ang internet sa tabi ko, ilalabas ang bolpen at ang malinis na papel, mag hahanap ng lugar kung saan malaya akong makapag isip-isip at doon ay isusulat ko ang lahat....lahat...lahat...

-Than Squared